Wednesday, January 30, 2013

Malalim ang Araw [A short story]


FOREWORD

     "After some months of hiatus, I finally decided to revive my blog. So here I am! But I'm sorry to tell that this post is some random story we wrote back in high school. Don't laugh at it okay? It's just something I wanna share because I feel so down nowadays. Might be a mood disorder or something.

     Well anyway, here it is. The story is all about a boy who liked a girl so much that he has done everything for that special someone but he doesn't know that his bestfriend is at stake. Well anyway, this story was written by yours truly (Kervin del Rosario) and my friend Joseph Yao back then. I think it was on February 2004. This is the first ever story that we wrote. EVERRRR. We wrote a second story but we gave it to the individual that inspired us to write this thing. Being the story so confidential, even the both of us has no copy of it. Only that special someone has a copy of that second untold secret story that she brought with her in Canada. On the other hand, Joseph and I recently had a conversation in CBTL One Archers branch near DLSU. We effin' talked about the supposed-to-be-written third short story. To break the ice, we talked about writing that third short story last 2004 but insisted to save it for the best. And what's that best am I talking about? We decided to write a third short story when we already both have our girlfriends. WELL UNFORTUNATELY, at that moment we had our conversation in CBTL, we were and ARE STILL single since effin' birth. I think handsome guys like us is supposed to be that way? I guess. HAHAHAHA. Well anywayyyyyy, here it is. Enjoy. Don't freaking laugh at it because we were so young when we wrote this okay? (Now I'm the one who's laughing ahahahahahaha)"



________________________________________




Malalim ang Araw
By: Joseph Yao and Kervin del  Rosario ng 4-St. Peter



Kabanata 1 : Patimpalak

           Sa loob ng eskwelahan, sa klase ng 4-San Pedro, may isang lalaking nagngangalang Jovin. Siya’y isang matalinong bata na kyut na kyut at bibo. Isa rin siyang mabait na estudyante. Ngunit siya’y pinapahirapan at ginugulpi ng kapwa niya kamag-aral. Ngunit sa lahat nang paghihirap niya, may bagay na nakapagpapa-saya sa kanya, ang paglalaro ng kompyuter. Sa araw-araw niyang pagpasok sa eskwela, siya’y hinahangaan dahil sa kanyang katalinuhan, kabaitan, at kasipagan ngunit pinapahirapan ng iba dahil sa pagka-inggit sa kanya.

            Isang araw sa buhay niya, nang napadpad sila sa gym ng kanyang kaibigan na si Sonny, gaganapin doon ang patimpalak na “Mr. and Ms. Earth”. Sila’y nagkukwentuhan tungkol sa laro sa kompyuter, nang biglang nagsimula na ang patimpalak. Nagparada isa-isa ang mga kalahok. Ngunit sa lahat ng pumarada, may naka-agaw ng atensyon ni Jovin. Ang dalagang naka-agaw pansin kay Jovin ay nakasuot ng pink na gown at may halong puti. Ang babaeng iyon ay medyo maliit ang taas ngunit nagniningning ang kanyang kagandahan habang nagpaparada. Bawat sulok ng kanyang mukha ay tila perpekto. Sa lahat ng kalahok na sumali, siya ang namumukod-tangi para sa mata ni Jovin. Napansin ni Sonny na nahumaling si Jovin sa babaeng yaon. Biglang wika ni Sonny, “ May gusto ka ba sa dalagang iyon? “ Sagot ni Jovin, 

   “ Oo Sonny, parang tinamaan ako sa kanya. “
   “Gusto mo pakilala kita? “
   “ Salamat Sonny, isa kang tunay na kaibigan




Kabanata 2 : Panghihinayang sa sulok

            “Walanag anuman iyon, pero binabalaan kita, marami siyang manliligaw at mababa ang tyansa mo. “ Bahagyang nalungkot si Jovin. Ngunit, dahil sa pagka-gusto niya sa babaeng ‘yon ay ‘di siya pinang-hinaan ng loob. Sa pagtatapos ng programa, ‘di man nanalo ang dalaga, si Jovin ay tuwang tuwa dahil sa patimpalak na iyon ay nakilala niya ang babaeng iyon.

            Sa isang tabi, napasulyap si Jovin at bigla niyang nakita ang babae. Napatitig siya ng pagkatagal-tagal na halos matunaw na ang babae sa sobra niyang kagandahan. Ang tangi lamang niyang nagagawa ay ang titigan ang dalaga dahil natatakot siyang lapitan ito. Sinubukan niyang lapitan ang dalaga, ngunit kada hakbang niya papalapit sa babae ay lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. At ang mga salitang gusto niyang sabihin ay ‘di magawang maisip sa pagbugso ng kanyang kaba. Ngunit biglang umalis na sila ng kanyang mga kaibigan palabas ng gym. Nanghinayang si Jovin sa pagkakataong nasayang.

            Kinagabihan, binuksan ni Jovin ang kanyang account sa internet na tungkol sa mga kaibigan at hinanap niya sa mga kaibigan ng kanyang mga kaibigan ang babaeng nakita sa patimpalak. Makalipas ang ilang oras ng paghahanap ay nakita niya ang babae at ito pala’y nagngangalang Marie.

            Kinabukasan…



Kabanata 3 : Pagpapakilala sa Mahirap na Paraan

            Kinabukasan, ang ‘di niya inaasahan ay nangyari. Nakasalubong niya si Marie. Ngunit sa pagdaan niya’y nanlata siyang bigla sa pagkakasulyap niya kay Marie at sabay pula ng kanyang pisngi. Pagkalampas ni marie, biglang napansin ng mga kaibigan niya na siya’y namumula. Tanung ng kanyang mga kaibigan, “ Bakit ka namumula Jovin? “
               “ Ah, wala ito, masakit lang ang tiyan ko. :
               “Sus, napadaan lang si Marie, nagkaganyan ka na. Gusto mo siya no? “, malakas na sigaw ni Ryan Zalzos na tila nagpaparinig kay Marie.
               “ Hindi ah, masakit lang talaga ang tiyan ko. “
               “ Kunwari ka pa, pero ang alam ko, siya raw ang pinakamagandang DILAG sa batch nila. Kaya kung may balak ka sa kanya ay ihinto mo na dahil baka masawi ka lang muli. “
               “ Ah basta, itutuloy ko pa rin kahit mabigo pa akong muli. “

            Kinahapunan, nang uwiang iyon, nakita na naman ni Jovin si Marie. Sa pagkakataong ito, nagkaroon siya ng lakas ng loob. Nilapitan niya unti-unti si Marie sa kauna-unahang pagkakataon at kinausap niya si Marie. Winika niya habang namumula ang kanyang pisngi, “ Hello… “
               “Hi…”, ang sabi ni marie. Sa isip ni Marie, tinatanung niya sa sarili kung sinu ang lalaking iyon. At sambit ni Jovin, “ Ako nga pala si Jovin, ikaw ba si Marie? “
               “ Opo, ako nga po. Pa’no mo po ako nakilala? “
   “ Sa mga kaibigan ko. Pinagtanung kita dahil gusto kong makipag-kaibigan sa’yo. “
   “ Ah ganun po ba. Sige po, nagmamadali po ako. “
   “ Ah sandali lang… “, ngunit ‘di na siya narinig ni Marie dahil sa pagmamadali nito.

Nang makauwi si Jovin…



Kabanata 4 : Pagbabalat-kayo ng Tunay na Kulay

            Nang makauwi si Jovin, dali-dali siyang nagbihis at binuksan agad ang kompyuter. Ngunit napahiga siya at naisip ang nangyari sa eskwelahan. Hindi niya lubos maisip na nagawa niyang makipagkilala kay Marie.
            Imbes na magkompyuter ay naisip na lamang niya na alalahanin ang magagandang mata ni Marie, perpektong hugis ng mukha nito at ang matatamis nitong mga ngiti. Hindi niya namalayan ang oras na mag aalas-dose na ng hatinggabi. Siya’y natulog at sinambit sa sarili, “ Sana maging maganda ang araw ko bukas. “

            Sa sumunod na araw, nakasalubong ni Jovin si Marie sabay sambit ng, “Magandang umaga Marie. “ Ngunit hindi ata ito narinig ng dalaga. Kaya kinalabit na ni Jovin si Marie at sinabi muli ang gusto nitong sambitin. Ngunit, sa kasawiampalad, sumagot si Marie, “ Sinu ka? “
               “ ‘Di mo ba ako nakikilala? Ako ‘yong kahapon. “
               “ Uhm… Ah oo nga pala, sori kase ‘di ko naalala. “
               “ Ah okay lang ‘yon. Kamusta ka naman? “

            Subalit may isang malakas na boses na kanilang narinig na tinatawag si Marie. Nang lumingon siya sa pinanggagalingan ng tinig, namukhaan niya agad ito. Ito pala ay si Sonny na kumakaway mula sa ‘di kalayuan. At nilapitan ni Sonny si Marie. Nabigla si Jovin nang biglang sumama si Marie kay Sonny at sila’y umalis ng sabay at naiwan ang kaawa-awang si Jovin sa kanyang kinatatayuan na may bakas ng kalungkutan sa kanyang mukha at tumungo na sa kanyang klase.

            Sa loob ng klase…



Kabanata 5 : Paglihis sa kalungkutan

            Sa loob ng klase, napansin niyang wala pa si Sonny sa kanyang upuan. Iniisip niya na maaaring hinatid pa ni Sonny si Marie sa klase nito. Ilang sandali pa at dumating na si Sonny sa loob ng klase. Napansin ni Jovin ang kagalakan sa mukha ni sonny. Umupo si Sonny katabi ni Jovin at sinabi, “ Oi, pare, kilala ka na pala ni Marie? “
               “ Oo nga eh.. “
               “ Alam mo ba, may ikukwento ako sa’yo. “

            Nagkwento si Sonny tungkol sa mga laro sa kompyuter. Humaba ang kanilang kwentuhan. Ngunit sa mahabang kwentuhang yaon, pumasok sa isip ni Jovin ang mga bagay na bumabagabag sa kanya kaninang umaga. Pasingit na tinanong ni Jovin kay Sonny, “ May gusto ka ba kay Marie? “

            Biglang natigilan si Sonny sa pagkukwento at ang ngiti nito ay bumaligtad sa kawalan at naging malungkot. Ngunit biglang nilihis ang paksang gusting simulan ni Jovin. Sabay sumbat ni Jovin, “ Bakit mo iniiba ang paksa Sonny? “ Bago pa makasagot si Sonny ay dumating na ang kanilang guro at binati nila ito ng magandang umaga. Bumabagabag pa rin sa isipan ni Jovin ang isasagot ni Sonny. Ang pagkabagabag na ito’y bumabagabag pa rin sa kanya hanggang mag-uwian. Habang naglalakad nang nakayuko si Jovin, may mabanayad na tinig na nakakuha ng kanyang atensyon at ang tinig na ito’y tinatawag ang kanyang pangalan. Nang hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig, nakita niya si Marie. Agad na nawala ang bakas ng kalungkutan sa mukha ni Jovin at napalitan ito ng galak. Sumagot si Jovin, “ Marie, bakit? Anung problema? “
               “ Wala naman… “



Kabanata6 : Paghatid kay Marie

               “Wala naman, gusto lang kitang kamustahin. “
               “ Nakakataba naman ng puso ‘yong sinabi mo. “
Biglang napangiti si Marie. Tinanung ni Jovin kay Marie nang buong lakas ng loob, “Pwede bang sabay tayong umuwi? “
               “ Sige, ‘di naman ako nagmamadali ngayon eh. “
            Sinimulan na nila ang paglalakad patungo sa labasan ng eskwelahan. Nang pagkalabas na nila sa eskwelahan, pabirong tinanung ni Jovin kay marie, “ Kumain ka ba ng asukal? “
               “ Hindi, bakit? “
               “ Kasi alam mo ba, ang tamis ng ngiti mo. “
               “ Weeehhh… “, pangiting sinabi ni Marie.
            At patuloy silang naglakad habang nag-uusap. Nag-usap sila tungkol sa buhay ng bawat isa. Dahil alam ni Jovin na bagong estudyante lamang si Marie, kinuwentuhan niya ito ng mga karanasang nangyari sa kanya sa eskwelahan at tungkol na rin sa mga guro. Habang sila’y paakyat sa tulay sa may Caltex, nakasalubong nila ang mga kaibigan ni Marie na paakyat rin sa tulay. Lumapit ang mga kaibigan ni Marie sa kanilang dalawa. Binati si Marie ng kanyang mga kaibigan. Ang isa sa kanila’y tinanung kay Marie, “Siya ba ang bago mong manliligaw? “
               “Weeehhh, ‘di ah. Kakikilala ko nga lang sa kanya. Ah teka, siya nga pala si Jovin. “
               “ Nice meeting you Jovin. Pwede ba kaming sumabay sa inyong dalawa? “
              “ Sige tara na. “, winika ni Marie.

            At sila’y…


Kabanata 7 : Landas ng Kapahamakan

            At sila’y sumakay na sa bus na patungong Valenzuela. Nang nakarating na sila sa Monumento, may sumambulat na trapik sa kanilang tatahaking kalye. Dahil ito sa ginagawang Tullahan Bridge. Sa sobrang tagal ng trapiko, nakatulog si Marie na katabi si Jovin, at ang mga kaibigan ni Marie ay abalang nagkukwentuhan sa may likuran. Natutulog si Marie nang ‘di inaasahang napasandal siya sa balikat ni Jovin. Si Jovin ay biglang nagulat at napatingin sa kanyang balikat. Tinitigan niya ng pagkatagal-tagal ang napakagandang mukha ni Marie na animo’y Maria Clara sa ganda at mala Venus sa pagka-diyosa. Napangiti siya sa sobrang galak sa pangyayaring iyon. Tila nasa kalangitan na ang kanyang pakiramdam habang nakasandal sa kanyang balikat ang isang babaeng tila diyosa.
            Nagising si Marie nang umandar na ang bus ng tuloy-tuloy at nalampasan na nila ang trapik. Tumatakbo sa isip ni Jovin ang mga bagay na sana tumagal pa ang trapik para matagal niyang naranasan ang pagkasandal sa kanya ni Marie.

            Dahil medyo may kalayuan pa ang bahay ni Marie mula sa kanilang binabaan, nag-tricycle na ang mga kaibigan ni Marie pauwi, sila namang dalawa ni Jovin ay naglakad na lamang. Habang sila’y naglalakad, may tatlong kalalakihan ang humarang sa kanila. Nagwika ang isa sa kanila, “ Pare ang ganda naman ng kasama mo ah, maaari ba naming siyang mahiram ng sandali? “ Walang alintanang pagalit na sinabi ni Jovin, “Pare, ambabastos niyo ah, anu ba gusto niyo palabasin? “ Si Marie ay nagtago sa likod ni Jovin at ito’y kanyang yinakap at pinipigilan na may halong takot at kaba.

            Dahil…



Kabanata 8 : Pag-akap sa Magagandang Sandali

            Dahil sa sobrang galit ni Jovin sa pambabastos nila kay Marie, dali-dali niyang sinapak sa muka ang isa sa tatlo. Nabigla si Jovin sapagkat sinunggaban siya ng dalawang lalaki. Ang lalaking sinapak ni Jovin ay hinatak si Marie ngunit ito’y nagpupumiglas at nagsisisigaw para humingi ng tulong. Dahil sa pagnanais na ipagtanggol si Marie sa lalaking yaon, nagpumiglas siya sa dalawang lalaki at nakipag-sabayan siya ng suntok sa dalawa. Sa ‘di inaasahang pangyayari, ang dalawa’y kanyang napatumba na hindi iniinda ang sakit sa mukha’t tiyan. Sa ‘di kalayuan ay nakita niya ang lalaki na hinahatak si Marie. Hinabol niya ito at pinaulanan niya ng sapak at tadyak. Biglang hinimatay ang lalaki sa sobrang pagpapahirap na natamo niya mula kay Jovin. Ilang sandali pa’y dumating na ang mga barangay tanod at dinakip ang tatlo. Sa isang tabi’y umiiyak at takot na takot si Marie. Dali-daling tumakbo si Marie patungo kay Jovin at sa ‘di inaasahan  ni Jovin ay niyakap siya ni Marie nang mahigpit at sinambit ang mga katagang, “ Natakot ako Jovin. Akala ko’y mapapahamak ka ng dahil saken. Nag-alala ako sa’yo ng sobra. Buti naman at ligtas ka. Salamat nga pala sa iyo Jovin. Buti na lamang at nandyan ka. ‘Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka kanina. “ Sa bugso ng damdamin ni Jovin ay niyakap niya rin ng mahigpit si Marie at winika, “ Nag-alala talaga ako para sa’yo” Nang sila’y bumalik sa ulirat, sila’y naglayo at naalalang magkaibigan lang sila. Tumungo na sila sa bahay ni Marie. Nang sila’y…



Kabanata 9 : Kaguluhan sa Field

            Nang sila’y nakarating na sa bahay ni Marie, nagsalita si Jovin, “ Sige, mauna na ako. “
               “ Pumasok ka muna, gagamutin ko ang mga pasa mo. “
               “ Makita lang kitang ligtas, magaling na ako. “
               “ Weeehhh. Sige, paggaling ka ah. “
            Umalis na si Jovin nang biglang tinawag siyang muli ni Marie at sinabing, “Mag-ingat ka ha. “
               “Sige, para sa’yo! “

            At umuwi na si Jovin na puro bugbog. Kinabukasan, sa pagpasok ni Jovin, nakita niiya si Sonny at lumapit sa kanya ito ng galit. Sinambit ni Sonny, “ Kung ‘di dahil sa’yo, ‘di mangyayari ang mga nangyari kahapon! Edi sana sumabay nalang kayo sa mga kaibigan ni Marie! “
               “ Bakit? Kung ikaw ba ang kasama ni Marie kahapon, maipagtatanggol mo ba siya? “
               “ Gusto mo sapakan nalang! Para mapatunayan natin kay Marie kung sino ang mas maipagtatanggol siya!”

            Nagtungo ang dalawa sa field kasama ang ilang mga kamag-aral na manunuod. Sa may field ay mainit na nagtitigan ang dalawa. Sa sobrang galit ni Sonny ay itinulak niya si Jovin na halos matumba ito. Gumanti naman si Jovin ng malakas na suntok sa tagiliran ni Sonny. Nagpalitan na ng suntok ang dalawa. Sa grupo ng manunuod, may dalawang estudyanteng tumungo sa dalawa na nagngangalang Angelo Abagat at Aaron Cortez ng 4-San Pedro. Pilit nilang…




Kabanata 10  : Pagkakaibigang Puno ng Kasinungalingan

            Pilit nilang inawat ang dalawa at pinaglayo. Ngunti sila’y nabigo dahil sadyang malakas si Sonny at Jovin. Nagtuloy-tuloy pa rin ang dalawa sa pagpapalitan ng suntok.

            Sa grupo ng mga manunuod, ang iba’y nagkokomento sa mangyayari sa laban. “Wala talo yang si Jovin. “
               “ Hindi, kaya pa ni Jovin yan! “

            Mula sa mga manunuod, lumabas si Marie at nagtungo sa dalawa. Inawat niya ang dalawa upang tumigil. Nang tumigil na ang dalawa, nagpaliwanag si sonny kay Marie. Sinabi ni Sonny, “ Si Jovin ang nanguna! “
               “ Ba’t mo ito nagawa Jovin? “, wika ni Marie.

            Sa ‘di sinasadyang pangyayari, nilapitan bigla ni Jovin si Sonny at inumbagan ito. Nagulat si Marie sa ginawa ni Jovin at dali-daling sinampal ito habang nag-uumpisa nang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumakbo ng mabilis papalayo si Marie. Bigla naman itong sinamahan at sinundan ni ni Sonny. Naiwan si Jovin na nag-iisa na walang kakampi at naghihinagpis sa field.

            Nang sumapit ang hapon, pinatawag na sila sa opisina ng prefect of discipline ukol sa ginawa nilang gulo. Sila’y sususpendihin at binigyan ng parusang maglinis ng field buong araw.
            Habang silay’ naglilinis ng field, nilapitan ni Sonny si Jovin. Sinambit niya kay Jovin, “ Pare may sasabihin ako sa’yo. “
               “ Ano yun?! ”
               “ Kung maaari lang, ‘ may the best man win ‘ nalang sa puso ni Marie. “ At naglayo ang dalawa.

            Kinaumagahan…




Kabanata 11 : Laro ng Pag-ibig

            Kinaumagahan, nakita ni jovin si Marie. Kinausap niya si Marie, “ Pwede bang magpaliwanag sa’yo? ” Ngunit ‘di siya pinansin ng dilag. Sa ‘di kalayua’y sumulpot si Sonny sa likuran ni Marie at inakbayan ito. Biglang kinamusta ni Marie si Sonny at bigla silang lumayong magkasama. Naiwan na namang sawi muli si Jovin.

            Lumipas ang mga araw, ‘di pa rin napapawi ang poot at galit ni Marie kay Jovin. Sa mga araw na iyon, laging sinusubukan ni Jovin na makipag-ayos kay Marie. Ngunit laging pinipilit ng dalaga na 'wag itong pansinin at sa halip ay samahan na lamang si Sonny.

            Lumipas ang panahon at sumapit na ang Pasko. Dumating ang pasko na malamig kay Jovin. Sa araw nang Pasko’y tinawagan ni jovin si Marie. Ngunit nang inangat na ni Marie ang telepono, binaba niya agad ito dahil sa pagkakarinig sa boses ni jovin. Nadurog na namang muli ang puso ni Jovin sa pangyayaring ‘di niya inaasahan. Sa pagkakataong iyon, kinimkim niya ang lungkot at gusto niyang ilabas ang galit na kanyang nadarama. “ ‘Di naman magkakaganito kundi dahil kay Sonny!!!!! “

            Nagbalik na ang klase sabay sa pagpasok sa bagong taon. ‘Di pa rin natatanggal ang galit ni Marie kay Jovin, gayon din naman ang si Jovin kay Sonny.

            Sa kanilang klase sa pisikal na edukasyon, sila’y pinaglaro ng basketbol ng kanilang guro. Itinalaga na ng kanilang guro kung sino ang maglalaban-laban at sa ‘di inaasahan ay sumaktong magkalaban si Jovin at Sonny. Habang ang iba’y tuwang-tuwa sa paglalaro, si Jovin naman ay pinanggigigilian na pataobin si Sonny sa kada talon nito. Tumunog na ang bell at ‘di pa rin nagpapaawat ang dalawa. Sila na lamang ang naiwan na naglalaro sa gym. Sa isang tira ni Sonny, naisipan ni Jovin na sapakin ito sa mukha habang si Sonny ay nasa ere. Gayon nga ang nangyari.

            Ngunit…




Kabanata 12 : Kwarto ng Pag-asa

            Ngunit ‘di lubos inisip ni Jovin na gayon ang mangyayari. Nang pagkasapak ni Jovin kay Sonny sa mukha’y natumba si Sonny na una ang ulo at tumama sa sementong sahig at nagdugo ito. Nawalan ng malay si jovin sa pagkakita ng umaagos na dugo mula kay sonny. Subalit ilang sandali pa’y tumayo si Sonny. Nilapitan nito si Jovin nang dahan-dahan na pinipilit igalaw ang nanglalatang katawan. Sa pagtabi niya kay Jovin, sa halip na tulungan ito’y ito pa’y kanyang ginulpi at binugbog sa katawan at mukha dahil na rin sa poot na nadarama nito. Nakakita ng tubo si Sonny at dali-dali niya itong kinuha. Dahil sa sama ng loob niya’y hinampas niya si Jovin sa ulo ng maraming beses. Halos ‘di na makilala si Jovin sa sobrang dugo na bumabalot sa kanya. Nang nakita na ni Sonny ang dugo na umaagos mula sa ulo’t bibig nito’y bigla siyang natauhan sa mga pangyayari. Sa ‘di kalayua’y may dyanitor na nakakita ng lahat at umalis agad para isumbong ang nakita.
            
   “ Ano ba ‘tong nagawa ko? Nasaktan ko ang matalik kong kaibigan dahil lang sa babae. “ Tumakbo si Sonny at dumeretso sa palikuran upang magtago at umiyak.

            Nakita nang napadaang estudyante na nagngangalang Manuel Felipe Pacheco ang katawan ni Jovin na nakahalandusay sa lapag at duguan. Binuhat niya kaagad ito at dinala sa clinic.

            Sa clinic nama’y siya’y isinakay sa ambulansya at idineretso sa ospital. Sa pagdating sa ospital ay ginamot at inoperahan agad si Jovin nang walang pag-iimbot.

            Dumating ang balita sa 4-San Pedro at dali-dali itong pumunta sa ospital kasama ang kanilang adviser. Sila’y nakaabang sa sasabahin ng doctor sa paglabas nito sa operating room. Lumipas ang halos limang oras at lumabas ang doctor.

               “ Kumusta po si Jovin? “, nag-aalalang tanung ng adviser.
               “ Ayos na po s’ya ngunit ‘pag napagod siya nang husto’y pwede siyang himatayin dahil sa rami ng dugong mawala sa kanya at pwedeng magkakomplikasyon sa utak at maputulan ng ugat sa leeg at maaaring… “
               “ Maaaring ano??? “
               “ Ikamatay niya "

            Sa bilis…




Kabanata 13 : Ihip ng Hangin

            Sa bilis ng pakpak ng balita, nabalitaan agad ito ng buong hayskul. Si Marie naman ay nalaman agad ito at pinuntahan agad si Sonny ngunit sinabi ni Sonny, “ ‘Wag tayo dito, sa labas tayo mag-usap. “ Sa pagkalabas nila ng chapel, sinampal agad ito ni Marie at sinunod-sunod pa ito sa poot na nadarama kay Sonny.

            Sa isip ni Marie ay lumitaw ang mukha ni Jovin na animo’y naghihirap at bigla nitong naisipan na baka kailangan siya ngayon ni Jovin. Umalis siya agad at nagtungo sa ospital bago mahuli ang lahat.

            Sa pagdating niya sa ospital, tinanung niya agad kung saan ang kwarto ni Jovin at pinuntahan ito ng dali-dali. Sa pagpasok sa kwarto’y nakita niyang nag-iisa ang kawawang si Jovin na halos matakpan na ng benda ang ulo nito.

            Tinabihan siya ni Marie. Naalala bigla ni Marie na kinapupuotan niya si Jovin ngunit ang kalagayang ‘yon ni jovin ang nagpapawi sa poot na nadarama ni Marie. Tinitigan ni Marie si Jovin habang siya’y naluluha sa kalagayan ni Jovin na may halong awa at lungkot. ‘Di lubos maisip ni Marie na magagawa ito ng matalik na kaibigan ni Jovin na si Sonny.

            Umihip ang hangin mula sa labas at dumilat na si Jovin. Napawi ang luha ni Marie at napalitan agad ito ng galak. Niyakap siya ni Marie at bumalik sa kanyang isipan ang pangyayaring pinagtanggol siya ni Jovin at doon niya unang beses niyakap ito. Biglang nagsalita si Jovin, “ Ano’ng nangyari, na’san tayo? “
               “ Nasa ospital tayo. “
               “ Hinampas ka raw ni Sonny ng tubo at nawalan ka raw ng malay? “
               “ ‘Di ko maalala dahil nawalan ako ng malay “
               “ Buti naman at ligtas ka “, binitawan na ang pagkakayakap kay Jovin at umupo na ng maayos.
               “ Kala ko ba’y galit ka sa akin? “
               “ Nawala ang galit ko at nalipat ito kay Sonny. Napakasama niya! “
               “ Tanggalin mo ang poot mo sa kanya kung maaari lang. “

            Nagtaka…



Kabanata 14 : Huling Alaala

            Nagtaka si Marie sa sinabing yaon ni Jovin.
               “ Bakit ko naman gagawin ‘yon? “
               “ Sana’y gawin mo iyon para sa’kin. Dahil ‘pag nawala na ako, wala na siyang masasandalan na kaibigan kundi ikaw na lamang! “ Lalong nagtaka si Marie, “ Bakit ka naman mamamatay? ‘Di ba ayos ka na? ‘Wag mo kong tinatakot. Ayaw ko pang mawala ka! “
               “ Alam ko ‘yon, pero ‘di natin alam ang mga mangyayari. “,sagot ni Jovin habang humihingal na.
               “ Ayos ka lang ba? “
               “ Sige kaya ko pa “
               “ Pasensya na Jovin kung ‘di kita pinapansin ‘pag ako’y kinakausap mo. Tinitingnan ko lang naman kasi kung hanggang saan mo kayang maghirap para sa akin. “
               “ Ayos lang ‘yon. Tapos na ang lahat eh. “, mahinang sagot ni Jovin.
               “ Baka kailangan mo nang magpahinga? “
               “ Ayos na ko Makita lang kita. “
               “ Weeehhh…”
               “ Pwede ba tayong magtabi sa exam? “
               “ Oo naman. Bakit? “
               “ Kasi I feel perfect beside you. “
               “ Sus bola. ”
               “ Malay mo huling biro ko na ‘yon sa’yo. “
               “ ‘Wag ka ngang magsalita ng ganyan! “
               “ Ok. “
Humiga na si Jovin at nagtanung muli kay Marie.
               “ Tapos ka na bang mag exam? “
               “ Oo kanina. Bakit na naman? “
               “ Ako naman sana ang sagutin mo. “
               “ Weeehhh”, sabay pisil ni Marie sa pisngi ni Jovin.

            Napangiti…



Kabanata 15 : Sulat ng Anghel

            Napangiti si jovin. Si Marie nama’y mayroong bagay na nais sabihin kay Jovin na matagal nang bumabagabag sa kanya. Ngunit nagwika bigla ng mahina si Jovin, “Marie, alam mo bang nagustuhan agad kita nung nakita kita doon sa patimpalak na sinalihan mo? Sa mga pagkakataong magkasama tayo’y unti-unti na kong nahulog sa’yo at noong iniligtas kita’y naramdaman kong mahal na pala kita. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko.

               “ … “, napayuko si Marie habang tumutulo ang kanyang luha.
               “ Kung ikaw ba’y tatanungin ko kung pwede bang ikaw nalang ang kasintahan ko, anung isasagot mo? “

            Napaisip si Marie sa tanong yaon ni jovin. Makalipas ang limang minuto, sinagot agad ito ni Marie, “Oo naman.” Sa sobrang tuwa ni Jovin ay napangiti siya na parang hanggang tenga at pumikit sabay sambit, “ Salamat sa oras na inilaan mo para sa akin Marie. Mahal na mahal kita. Masakit mang sabihin ito pero, paalam. “, unti-unting humihina ang bose ni Jovin habang sinasambit ang mga linyang iyon. Huminto na ang pagtibok ng puso at ang pulso ni Jovin. Natakot si Marie at kaagad na tinawag ang doktor.

            Ginawa na ng doktor ang lahat ng kanyang makakaya ngunit ‘di na niya maibabalik pa ang buhay ni Jovin dahil huli na ang lahat. Pinaliwanag ng doktor na sobrang napagod si jovin sa pakikipag-usap kay Marie. Tinabihan ni Marie si Jovin at niyakap nang pagkahigpit-higpit at ibinulong kay Jovin habang umaagos ang luha, “ Mahal na mahal rin kita. ‘Di mo lang alam na gusto na rin kita dati pa at lalo akong nahulog sa iyo nung ipinagtanggol mo ako. ‘Di mo man lang narinig at 'di ko naipadama sayong mahal na mahal kita! “

            Sa pag-oopera ng doktor kay Jovin, may nakita raw siyang sulat na para kay Marie. Binasa ito na dalaga :

            
Marie,
Alam kong mangyayari na ang mga bagay na ito. Inaasahan kong ‘di ko na kakayanin pa ang buhay. Pero sa pagkakataong ito, pinapalaya na kita. Alam kong mahal mo ko ngunit kailangan mo rin akong ipagpalit sa iba pang mas hihigit sa’kin pag dating ng panahon.
Sana rin ay mapatawad mo na si Sonny. Dahil wala siya masyadong kasundo sa eskwelahan kun’di  tayong dalawa lamang.
Sana gawin ‘yon para sa akin. Mahal na mahal pa rin kita kahit nasa kabilang mundo na ‘ko. Ikaw lang ang babantayan at iisipin ko ‘don.
Sana makakita ka na agad nang lalaking mas hihigit pa sa’kin. Mahal na mahal kita.
                                                          Nagmamahal,
                                                                   Jovin…ΓΌ

            Umagos ang luha sa mata ni Marie at iniyakan ang sulat na iyon ni Jovin. Ibinulong niya sa sarili habang umaagos ang luha, “ Kung sana mas matagal pa tayong nagkasama… Paalam Jovin”



________________________________________



    So there you have ittttt. You laugh didn't you? LOOOOOL. Just one thing, give everything for that special someone while she's around. You may never know when that someone will be gone. I'm not saying material things, but the time spent together is all that matters.

I don't give a shit, just go out there... love... and be loved.

Ciao gay boys.

Oh and don't forget,



Smile :)