FOREWORD
"After some months of hiatus, I finally decided to revive my blog. So here I am! But I'm sorry to tell that this post is some random story we wrote back in high school. Don't laugh at it okay? It's just something I wanna share because I feel so down nowadays. Might be a mood disorder or something.
Well anyway, here it is. The story is all about a boy who liked a girl so much that he has done everything for that special someone but he doesn't know that his bestfriend is at stake. Well anyway, this story was written by yours truly (Kervin del Rosario) and my friend Joseph Yao back then. I think it was on February 2004. This is the first ever story that we wrote. EVERRRR. We wrote a second story but we gave it to the individual that inspired us to write this thing. Being the story so confidential, even the both of us has no copy of it. Only that special someone has a copy of that second untold secret story that she brought with her in Canada. On the other hand, Joseph and I recently had a conversation in CBTL One Archers branch near DLSU. We effin' talked about the supposed-to-be-written third short story. To break the ice, we talked about writing that third short story last 2004 but insisted to save it for the best. And what's that best am I talking about? We decided to write a third short story when we already both have our girlfriends. WELL UNFORTUNATELY, at that moment we had our conversation in CBTL, we were and ARE STILL single since effin' birth. I think handsome guys like us is supposed to be that way? I guess. HAHAHAHA. Well anywayyyyyy, here it is. Enjoy. Don't freaking laugh at it because we were so young when we wrote this okay? (Now I'm the one who's laughing ahahahahahaha)"
________________________________________
Malalim ang Araw
By: Joseph Yao and Kervin
del Rosario ng 4-St. Peter
Kabanata 1 : Patimpalak
Sa loob ng eskwelahan, sa klase ng 4-San Pedro, may isang
lalaking nagngangalang Jovin. Siya’y isang matalinong bata na kyut na kyut at
bibo. Isa rin siyang mabait na estudyante. Ngunit siya’y pinapahirapan at
ginugulpi ng kapwa niya kamag-aral. Ngunit sa lahat nang paghihirap niya, may
bagay na nakapagpapa-saya sa kanya, ang paglalaro ng kompyuter. Sa araw-araw
niyang pagpasok sa eskwela, siya’y hinahangaan dahil sa kanyang katalinuhan,
kabaitan, at kasipagan ngunit pinapahirapan ng iba dahil sa pagka-inggit sa
kanya.
Isang
araw sa buhay niya, nang napadpad sila sa gym ng kanyang kaibigan na si Sonny,
gaganapin doon ang patimpalak na “Mr. and Ms. Earth”. Sila’y nagkukwentuhan
tungkol sa laro sa kompyuter, nang biglang nagsimula na ang patimpalak.
Nagparada isa-isa ang mga kalahok. Ngunit sa lahat ng pumarada, may naka-agaw
ng atensyon ni Jovin. Ang dalagang naka-agaw pansin kay Jovin ay nakasuot ng
pink na gown at may halong puti. Ang babaeng iyon ay medyo maliit ang taas
ngunit nagniningning ang kanyang kagandahan habang nagpaparada. Bawat sulok ng
kanyang mukha ay tila perpekto. Sa lahat ng kalahok na sumali, siya ang
namumukod-tangi para sa mata ni Jovin. Napansin ni Sonny na nahumaling si Jovin
sa babaeng yaon. Biglang wika ni Sonny, “ May gusto ka ba sa dalagang iyon? “
Sagot ni Jovin,
“ Oo Sonny, parang tinamaan ako sa kanya. “
“Gusto mo pakilala kita? “
“ Salamat Sonny, isa kang tunay na kaibigan
Kabanata 2 : Panghihinayang sa sulok
“Walanag anuman iyon, pero binabalaan kita, marami siyang manliligaw at
mababa ang tyansa mo. “ Bahagyang nalungkot si Jovin. Ngunit, dahil sa
pagka-gusto niya sa babaeng ‘yon ay ‘di siya pinang-hinaan ng loob. Sa
pagtatapos ng programa, ‘di man nanalo ang dalaga, si Jovin ay tuwang tuwa
dahil sa patimpalak na iyon ay nakilala niya ang babaeng iyon.
Sa
isang tabi, napasulyap si Jovin at bigla niyang nakita ang babae. Napatitig
siya ng pagkatagal-tagal na halos matunaw na ang babae sa sobra niyang
kagandahan. Ang tangi lamang niyang nagagawa ay ang titigan ang dalaga dahil
natatakot siyang lapitan ito. Sinubukan niyang lapitan ang dalaga, ngunit kada
hakbang niya papalapit sa babae ay lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. At
ang mga salitang gusto niyang sabihin ay ‘di magawang maisip sa pagbugso ng
kanyang kaba. Ngunit biglang umalis na sila ng kanyang mga kaibigan palabas ng
gym. Nanghinayang si Jovin sa pagkakataong nasayang.
Kinagabihan, binuksan ni Jovin ang kanyang account sa internet na tungkol
sa mga kaibigan at hinanap niya sa mga kaibigan ng kanyang mga kaibigan ang
babaeng nakita sa patimpalak. Makalipas ang ilang oras ng paghahanap ay nakita
niya ang babae at ito pala’y nagngangalang Marie.
Kinabukasan…
Kabanata 3 : Pagpapakilala sa Mahirap na Paraan
Kinabukasan, ang ‘di niya inaasahan ay nangyari. Nakasalubong niya si
Marie. Ngunit sa pagdaan niya’y nanlata siyang bigla sa pagkakasulyap niya kay
Marie at sabay pula ng kanyang pisngi. Pagkalampas ni marie, biglang napansin ng mga kaibigan niya na siya’y namumula. Tanung ng kanyang mga kaibigan, “ Bakit ka
namumula Jovin? “
“ Ah, wala ito, masakit lang ang tiyan ko. :
“Sus, napadaan lang si Marie, nagkaganyan ka na. Gusto mo siya no? “,
malakas na sigaw ni Ryan Zalzos na tila nagpaparinig kay Marie.
“ Hindi ah, masakit lang talaga ang tiyan ko. “
“ Kunwari ka pa, pero ang alam ko, siya raw ang pinakamagandang DILAG sa
batch nila. Kaya kung may balak ka sa kanya ay ihinto mo na dahil baka masawi
ka lang muli. “
“ Ah basta, itutuloy ko pa rin kahit mabigo pa akong muli. “
Kinahapunan, nang uwiang iyon, nakita na naman ni Jovin si Marie. Sa
pagkakataong ito, nagkaroon siya ng lakas ng loob. Nilapitan niya unti-unti si
Marie sa kauna-unahang pagkakataon at kinausap niya si Marie. Winika niya
habang namumula ang kanyang pisngi, “ Hello… “
“Hi…”, ang sabi ni marie. Sa isip ni Marie, tinatanung niya sa sarili
kung sinu ang lalaking iyon. At sambit ni Jovin, “ Ako nga pala si Jovin, ikaw
ba si Marie? “
“ Opo, ako nga po. Pa’no mo po ako nakilala? “
“ Sa mga kaibigan ko. Pinagtanung kita dahil
gusto kong makipag-kaibigan sa’yo. “
“ Ah ganun po ba. Sige po, nagmamadali po ako.
“
“ Ah sandali lang… “, ngunit ‘di na siya
narinig ni Marie dahil sa pagmamadali nito.
Nang makauwi si Jovin…
Kabanata 4 : Pagbabalat-kayo ng Tunay na Kulay
Nang
makauwi si Jovin, dali-dali siyang nagbihis at binuksan agad ang kompyuter.
Ngunit napahiga siya at naisip ang nangyari sa eskwelahan. Hindi niya lubos
maisip na nagawa niyang makipagkilala kay Marie.
Imbes
na magkompyuter ay naisip na lamang niya na alalahanin ang magagandang mata ni
Marie, perpektong hugis ng mukha nito at ang matatamis nitong mga ngiti. Hindi
niya namalayan ang oras na mag aalas-dose na ng hatinggabi. Siya’y natulog at
sinambit sa sarili, “ Sana
maging maganda ang araw ko bukas. “
Sa
sumunod na araw, nakasalubong ni Jovin si Marie sabay sambit ng, “Magandang
umaga Marie. “ Ngunit hindi ata ito narinig ng dalaga. Kaya kinalabit na ni
Jovin si Marie at sinabi muli ang gusto nitong sambitin. Ngunit, sa
kasawiampalad, sumagot si Marie, “ Sinu ka? “
“ ‘Di mo ba ako nakikilala? Ako ‘yong kahapon. “
“ Uhm… Ah oo nga pala, sori kase ‘di ko naalala. “
“ Ah okay lang ‘yon. Kamusta ka naman? “
Subalit
may isang malakas na boses na kanilang narinig na tinatawag si Marie. Nang
lumingon siya sa pinanggagalingan ng tinig, namukhaan niya agad ito. Ito pala
ay si Sonny na kumakaway mula sa ‘di kalayuan. At nilapitan ni Sonny si Marie.
Nabigla si Jovin nang biglang sumama si Marie kay Sonny at sila’y umalis ng
sabay at naiwan ang kaawa-awang si Jovin sa kanyang kinatatayuan na may bakas
ng kalungkutan sa kanyang mukha at tumungo na sa kanyang klase.
Sa loob
ng klase…
Kabanata 5 : Paglihis sa kalungkutan
Sa loob
ng klase, napansin niyang wala pa si Sonny sa kanyang upuan. Iniisip niya na
maaaring hinatid pa ni Sonny si Marie sa klase nito. Ilang sandali pa at
dumating na si Sonny sa loob ng klase. Napansin ni Jovin ang kagalakan sa mukha
ni sonny. Umupo si Sonny katabi ni Jovin at sinabi, “ Oi, pare, kilala ka na
pala ni Marie? “
“ Oo nga eh.. “
“ Alam mo ba, may ikukwento ako sa’yo. “
Nagkwento si Sonny tungkol sa mga laro sa kompyuter. Humaba ang kanilang
kwentuhan. Ngunit sa mahabang kwentuhang yaon, pumasok sa isip ni Jovin ang mga
bagay na bumabagabag sa kanya kaninang umaga. Pasingit na tinanong ni Jovin kay
Sonny, “ May gusto ka ba kay Marie? “
Biglang
natigilan si Sonny sa pagkukwento at ang ngiti nito ay bumaligtad sa kawalan at
naging malungkot. Ngunit biglang nilihis ang paksang gusting simulan ni Jovin.
Sabay sumbat ni Jovin, “ Bakit mo iniiba ang paksa Sonny? “ Bago pa makasagot
si Sonny ay dumating na ang kanilang guro at binati nila ito ng magandang
umaga. Bumabagabag pa rin sa isipan ni Jovin ang isasagot ni Sonny. Ang
pagkabagabag na ito’y bumabagabag pa rin sa kanya hanggang mag-uwian. Habang
naglalakad nang nakayuko si Jovin, may mabanayad na tinig na nakakuha ng
kanyang atensyon at ang tinig na ito’y tinatawag ang kanyang pangalan. Nang
hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig, nakita niya si Marie. Agad na
nawala ang bakas ng kalungkutan sa mukha ni Jovin at napalitan ito ng galak.
Sumagot si Jovin, “ Marie, bakit? Anung problema? “
“ Wala naman… “
Kabanata6 : Paghatid kay Marie
“Wala naman, gusto lang kitang kamustahin. “
“ Nakakataba naman ng puso ‘yong sinabi mo. “
Biglang napangiti si Marie. Tinanung ni Jovin kay Marie
nang buong lakas ng loob, “Pwede bang sabay tayong umuwi? “
“ Sige, ‘di naman ako nagmamadali ngayon eh. “
Sinimulan na nila ang paglalakad patungo sa labasan ng eskwelahan. Nang pagkalabas
na nila sa eskwelahan, pabirong tinanung ni Jovin kay marie, “ Kumain ka ba ng
asukal? “
“ Hindi, bakit? “
“ Kasi alam mo ba, ang tamis ng ngiti mo. “
“ Weeehhh… “, pangiting sinabi ni Marie.
At
patuloy silang naglakad habang nag-uusap. Nag-usap sila tungkol sa buhay ng
bawat isa. Dahil alam ni Jovin na bagong estudyante lamang si Marie,
kinuwentuhan niya ito ng mga karanasang nangyari sa kanya sa eskwelahan at
tungkol na rin sa mga guro. Habang sila’y paakyat sa tulay sa may Caltex,
nakasalubong nila ang mga kaibigan ni Marie na paakyat rin sa tulay. Lumapit
ang mga kaibigan ni Marie sa kanilang dalawa. Binati si Marie ng kanyang mga
kaibigan. Ang isa sa kanila’y tinanung kay Marie, “Siya ba ang bago mong
manliligaw? “
“Weeehhh, ‘di ah. Kakikilala ko nga lang sa kanya. Ah teka, siya nga pala
si Jovin. “
“ Nice meeting you Jovin. Pwede ba kaming sumabay sa inyong dalawa? “
“ Sige tara na. “, winika ni Marie.
At
sila’y…
Kabanata 7 : Landas ng Kapahamakan
At
sila’y sumakay na sa bus na patungong Valenzuela. Nang nakarating na sila sa
Monumento, may sumambulat na trapik sa kanilang tatahaking kalye. Dahil ito sa
ginagawang Tullahan
Bridge . Sa sobrang tagal
ng trapiko, nakatulog si Marie na katabi si Jovin, at ang mga kaibigan ni Marie
ay abalang nagkukwentuhan sa may likuran. Natutulog si Marie nang ‘di
inaasahang napasandal siya sa balikat ni Jovin. Si Jovin ay biglang nagulat at
napatingin sa kanyang balikat. Tinitigan niya ng pagkatagal-tagal ang
napakagandang mukha ni Marie na animo’y Maria Clara sa ganda at mala Venus sa
pagka-diyosa. Napangiti siya sa sobrang galak sa pangyayaring iyon. Tila nasa
kalangitan na ang kanyang pakiramdam habang nakasandal sa kanyang balikat ang
isang babaeng tila diyosa.
Nagising si Marie nang umandar na ang bus ng tuloy-tuloy at nalampasan na
nila ang trapik. Tumatakbo sa isip ni Jovin ang mga bagay na sana tumagal pa ang trapik para matagal
niyang naranasan ang pagkasandal sa kanya ni Marie.
Dahil
medyo may kalayuan pa ang bahay ni Marie mula sa kanilang binabaan,
nag-tricycle na ang mga kaibigan ni Marie pauwi, sila namang dalawa ni Jovin ay
naglakad na lamang. Habang sila’y naglalakad, may tatlong kalalakihan ang
humarang sa kanila. Nagwika ang isa sa kanila, “ Pare ang ganda naman ng kasama
mo ah, maaari ba naming siyang mahiram ng sandali? “ Walang alintanang pagalit
na sinabi ni Jovin, “Pare, ambabastos niyo ah, anu ba gusto niyo palabasin? “
Si Marie ay nagtago sa likod ni Jovin at ito’y kanyang yinakap at pinipigilan
na may halong takot at kaba.
Dahil…
Kabanata 8 : Pag-akap sa Magagandang Sandali
Dahil
sa sobrang galit ni Jovin sa pambabastos nila kay Marie, dali-dali niyang
sinapak sa muka ang isa sa tatlo. Nabigla si Jovin sapagkat sinunggaban siya ng
dalawang lalaki. Ang lalaking sinapak ni Jovin ay hinatak si Marie ngunit ito’y
nagpupumiglas at nagsisisigaw para humingi ng tulong. Dahil sa pagnanais na
ipagtanggol si Marie sa lalaking yaon, nagpumiglas siya sa dalawang lalaki at
nakipag-sabayan siya ng suntok sa dalawa. Sa ‘di inaasahang pangyayari, ang
dalawa’y kanyang napatumba na hindi iniinda ang sakit sa mukha’t tiyan. Sa ‘di
kalayuan ay nakita niya ang lalaki na hinahatak si Marie. Hinabol niya ito at
pinaulanan niya ng sapak at tadyak. Biglang hinimatay ang lalaki sa sobrang
pagpapahirap na natamo niya mula kay Jovin. Ilang sandali pa’y dumating na ang
mga barangay tanod at dinakip ang tatlo. Sa isang tabi’y umiiyak at takot na
takot si Marie. Dali-daling tumakbo si Marie patungo kay Jovin at sa ‘di
inaasahan ni Jovin ay niyakap siya ni Marie nang mahigpit at sinambit ang
mga katagang, “ Natakot ako Jovin. Akala ko’y mapapahamak ka ng dahil saken.
Nag-alala ako sa’yo ng sobra. Buti naman at ligtas ka. Salamat nga pala sa iyo
Jovin. Buti na lamang at nandyan ka. ‘Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka
kanina. “ Sa bugso ng damdamin ni Jovin ay niyakap niya rin ng mahigpit si
Marie at winika, “ Nag-alala talaga ako para sa’yo” Nang sila’y bumalik sa
ulirat, sila’y naglayo at naalalang magkaibigan lang sila. Tumungo na sila sa
bahay ni Marie. Nang sila’y…
Kabanata 9 : Kaguluhan sa Field
Nang
sila’y nakarating na sa bahay ni Marie, nagsalita si Jovin, “ Sige, mauna na
ako. “
“ Pumasok ka muna, gagamutin ko ang mga pasa mo. “
“ Makita lang kitang ligtas, magaling na ako. “
“ Weeehhh. Sige, paggaling ka ah. “
Umalis
na si Jovin nang biglang tinawag siyang muli ni Marie at sinabing, “Mag-ingat
ka ha. “
“Sige, para sa’yo! “
At
umuwi na si Jovin na puro bugbog. Kinabukasan, sa pagpasok ni Jovin, nakita
niiya si Sonny at lumapit sa kanya ito ng galit. Sinambit ni Sonny, “ Kung ‘di
dahil sa’yo, ‘di mangyayari ang mga nangyari kahapon! Edi sana sumabay nalang kayo sa mga kaibigan ni
Marie! “
“ Bakit? Kung ikaw ba ang kasama ni Marie kahapon, maipagtatanggol mo ba
siya? “
“ Gusto mo sapakan nalang! Para
mapatunayan natin kay Marie kung sino ang mas maipagtatanggol siya!”
Nagtungo ang dalawa sa field kasama ang ilang mga kamag-aral na manunuod.
Sa may field ay mainit na nagtitigan ang dalawa. Sa sobrang galit ni Sonny ay
itinulak niya si Jovin na halos matumba ito. Gumanti naman si Jovin ng malakas
na suntok sa tagiliran ni Sonny. Nagpalitan na ng suntok ang dalawa. Sa grupo
ng manunuod, may dalawang estudyanteng tumungo sa dalawa na nagngangalang
Angelo Abagat at Aaron Cortez ng 4-San Pedro. Pilit nilang…
Kabanata 10 : Pagkakaibigang Puno ng Kasinungalingan
Pilit
nilang inawat ang dalawa at pinaglayo. Ngunti sila’y nabigo dahil sadyang
malakas si Sonny at Jovin. Nagtuloy-tuloy pa rin ang dalawa sa pagpapalitan ng
suntok.
Sa
grupo ng mga manunuod, ang iba’y nagkokomento sa mangyayari sa laban. “Wala
talo yang si Jovin. “
“ Hindi, kaya pa ni Jovin yan! “
Mula sa
mga manunuod, lumabas si Marie at nagtungo sa dalawa. Inawat niya ang dalawa
upang tumigil. Nang tumigil na ang dalawa, nagpaliwanag si sonny kay Marie.
Sinabi ni Sonny, “ Si Jovin ang nanguna! “
“ Ba’t mo ito nagawa Jovin? “, wika ni Marie.
Sa ‘di
sinasadyang pangyayari, nilapitan bigla ni Jovin si Sonny at inumbagan ito.
Nagulat si Marie sa ginawa ni Jovin at dali-daling sinampal ito habang
nag-uumpisa nang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumakbo ng mabilis
papalayo si Marie. Bigla naman itong sinamahan at sinundan ni ni Sonny. Naiwan
si Jovin na nag-iisa na walang kakampi at naghihinagpis sa field.
Nang
sumapit ang hapon, pinatawag na sila sa opisina ng prefect of discipline ukol
sa ginawa nilang gulo. Sila’y sususpendihin at binigyan ng parusang maglinis ng
field buong araw.
Habang
silay’ naglilinis ng field, nilapitan ni Sonny si Jovin. Sinambit niya kay
Jovin, “ Pare may sasabihin ako sa’yo. “
“ Ano yun?! ”
“ Kung maaari lang, ‘ may the best man win ‘ nalang sa puso ni Marie. “
At naglayo ang dalawa.
Kinaumagahan…
Kabanata 11 : Laro ng Pag-ibig
Kinaumagahan, nakita ni jovin si Marie. Kinausap niya si Marie, “ Pwede
bang magpaliwanag sa’yo? ” Ngunit ‘di siya pinansin ng dilag. Sa ‘di kalayua’y
sumulpot si Sonny sa likuran ni Marie at inakbayan ito. Biglang kinamusta ni
Marie si Sonny at bigla silang lumayong magkasama. Naiwan na namang sawi muli
si Jovin.
Lumipas
ang mga araw, ‘di pa rin napapawi ang poot at galit ni Marie kay Jovin. Sa mga
araw na iyon, laging sinusubukan ni Jovin na makipag-ayos kay Marie. Ngunit
laging pinipilit ng dalaga na 'wag itong pansinin at sa halip ay samahan na
lamang si Sonny.
Lumipas
ang panahon at sumapit na ang Pasko. Dumating ang pasko na malamig kay Jovin.
Sa araw nang Pasko’y tinawagan ni jovin si Marie. Ngunit nang inangat na ni
Marie ang telepono, binaba niya agad ito dahil sa pagkakarinig sa boses ni
jovin. Nadurog na namang muli ang puso ni Jovin sa pangyayaring ‘di niya
inaasahan. Sa pagkakataong iyon, kinimkim niya ang lungkot at gusto niyang
ilabas ang galit na kanyang nadarama. “ ‘Di naman magkakaganito kundi dahil kay
Sonny!!!!! “
Nagbalik na ang klase sabay sa pagpasok sa bagong taon. ‘Di pa rin
natatanggal ang galit ni Marie kay Jovin, gayon din naman ang si Jovin kay
Sonny.
Sa
kanilang klase sa pisikal na edukasyon, sila’y pinaglaro ng basketbol ng
kanilang guro. Itinalaga na ng kanilang guro kung sino ang maglalaban-laban at
sa ‘di inaasahan ay sumaktong magkalaban si Jovin at Sonny. Habang ang iba’y
tuwang-tuwa sa paglalaro, si Jovin naman ay pinanggigigilian na pataobin si
Sonny sa kada talon nito. Tumunog na ang bell at ‘di pa rin nagpapaawat ang
dalawa. Sila na lamang ang naiwan na naglalaro sa gym. Sa isang tira ni Sonny,
naisipan ni Jovin na sapakin ito sa mukha habang si Sonny ay nasa ere. Gayon
nga ang nangyari.
Ngunit…
Kabanata 12 : Kwarto ng Pag-asa
Ngunit
‘di lubos inisip ni Jovin na gayon ang mangyayari. Nang pagkasapak ni Jovin kay
Sonny sa mukha’y natumba si Sonny na una ang ulo at tumama sa sementong sahig
at nagdugo ito. Nawalan ng malay si jovin sa pagkakita ng umaagos na dugo mula
kay sonny. Subalit ilang sandali pa’y tumayo si Sonny. Nilapitan nito si Jovin
nang dahan-dahan na pinipilit igalaw ang nanglalatang katawan. Sa pagtabi niya
kay Jovin, sa halip na tulungan ito’y ito pa’y kanyang ginulpi at binugbog sa
katawan at mukha dahil na rin sa poot na nadarama nito. Nakakita ng tubo si
Sonny at dali-dali niya itong kinuha. Dahil sa sama ng loob niya’y hinampas
niya si Jovin sa ulo ng maraming beses. Halos ‘di na makilala si Jovin sa
sobrang dugo na bumabalot sa kanya. Nang nakita na ni Sonny ang dugo na umaagos
mula sa ulo’t bibig nito’y bigla siyang natauhan sa mga pangyayari. Sa ‘di
kalayua’y may dyanitor na nakakita ng lahat at umalis agad para isumbong ang
nakita.
“ Ano ba ‘tong nagawa ko? Nasaktan ko ang
matalik kong kaibigan dahil lang sa babae. “ Tumakbo si Sonny at dumeretso sa
palikuran upang magtago at umiyak.
Nakita
nang napadaang estudyante na nagngangalang Manuel Felipe Pacheco ang katawan ni
Jovin na nakahalandusay sa lapag at duguan. Binuhat niya kaagad ito at dinala
sa clinic.
Sa
clinic nama’y siya’y isinakay sa ambulansya at idineretso sa ospital. Sa
pagdating sa ospital ay ginamot at inoperahan agad si Jovin nang walang
pag-iimbot.
Dumating ang balita sa 4-San Pedro at dali-dali itong pumunta sa ospital
kasama ang kanilang adviser. Sila’y nakaabang sa sasabahin ng doctor sa
paglabas nito sa operating room. Lumipas ang halos limang oras at lumabas ang
doctor.
“ Kumusta po si Jovin? “, nag-aalalang tanung ng adviser.
“ Ayos na po s’ya ngunit ‘pag napagod siya nang husto’y pwede siyang
himatayin dahil sa rami ng dugong mawala sa kanya at pwedeng magkakomplikasyon
sa utak at maputulan ng ugat sa leeg at maaaring… “
“ Maaaring ano??? “
“ Ikamatay niya "
Sa
bilis…
Kabanata 13 : Ihip ng Hangin
Sa
bilis ng pakpak ng balita, nabalitaan agad ito ng buong hayskul. Si Marie naman
ay nalaman agad ito at pinuntahan agad si Sonny ngunit sinabi ni Sonny, “ ‘Wag
tayo dito, sa labas tayo mag-usap. “ Sa pagkalabas nila ng chapel, sinampal
agad ito ni Marie at sinunod-sunod pa ito sa poot na nadarama kay Sonny.
Sa isip
ni Marie ay lumitaw ang mukha ni Jovin na animo’y naghihirap at bigla nitong
naisipan na baka kailangan siya ngayon ni Jovin. Umalis siya agad at nagtungo
sa ospital bago mahuli ang lahat.
Sa
pagdating niya sa ospital, tinanung niya agad kung saan ang kwarto ni Jovin at
pinuntahan ito ng dali-dali. Sa pagpasok sa kwarto’y nakita niyang nag-iisa ang
kawawang si Jovin na halos matakpan na ng benda ang ulo nito.
Tinabihan siya ni Marie. Naalala bigla ni Marie na kinapupuotan niya si
Jovin ngunit ang kalagayang ‘yon ni jovin ang nagpapawi sa poot na nadarama ni
Marie. Tinitigan ni Marie si Jovin habang siya’y naluluha sa kalagayan ni Jovin
na may halong awa at lungkot. ‘Di lubos maisip ni Marie na magagawa ito ng
matalik na kaibigan ni Jovin na si Sonny.
Umihip
ang hangin mula sa labas at dumilat na si Jovin. Napawi ang luha ni Marie at
napalitan agad ito ng galak. Niyakap siya ni Marie at bumalik sa kanyang isipan
ang pangyayaring pinagtanggol siya ni Jovin at doon niya unang beses niyakap
ito. Biglang nagsalita si Jovin, “ Ano’ng nangyari, na’san tayo? “
“ Nasa ospital tayo. “
“ Hinampas ka raw ni Sonny ng tubo at nawalan ka raw ng malay? “
“ ‘Di ko maalala dahil nawalan ako ng malay “
“ Buti naman at ligtas ka “, binitawan na ang pagkakayakap kay Jovin at
umupo na ng maayos.
“ Kala ko ba’y galit ka sa akin? “
“ Nawala ang galit ko at nalipat ito kay Sonny. Napakasama niya! “
“ Tanggalin mo ang poot mo sa kanya kung maaari lang. “
Nagtaka…
Kabanata 14 : Huling Alaala
Nagtaka
si Marie sa sinabing yaon ni Jovin.
“ Bakit ko naman gagawin ‘yon? “
“ Sana’y gawin mo iyon para sa’kin. Dahil ‘pag nawala na ako, wala na
siyang masasandalan na kaibigan kundi ikaw na lamang! “ Lalong nagtaka si
Marie, “ Bakit ka naman mamamatay? ‘Di ba ayos ka na? ‘Wag mo kong tinatakot.
Ayaw ko pang mawala ka! “
“ Alam ko ‘yon, pero ‘di natin alam ang mga mangyayari. “,sagot ni Jovin
habang humihingal na.
“ Ayos ka lang ba? “
“ Sige kaya ko pa “
“ Pasensya na Jovin kung ‘di kita pinapansin ‘pag ako’y kinakausap mo.
Tinitingnan ko lang naman kasi kung hanggang saan mo kayang maghirap para sa
akin. “
“ Ayos lang ‘yon. Tapos na ang lahat eh. “, mahinang sagot ni Jovin.
“ Baka kailangan mo nang magpahinga? “
“ Ayos na ko Makita lang kita. “
“ Weeehhh…”
“ Pwede ba tayong magtabi sa exam? “
“ Oo naman. Bakit? “
“ Kasi I feel perfect beside you. “
“ Sus bola. ”
“ Malay mo huling biro ko na ‘yon sa’yo. “
“ ‘Wag ka ngang magsalita ng ganyan! “
“ Ok. “
Humiga na si Jovin at nagtanung muli kay Marie.
“ Tapos ka na bang mag exam? “
“ Oo kanina. Bakit na naman? “
“ Ako naman sana ang sagutin mo. “
“ Weeehhh”, sabay pisil ni Marie sa pisngi ni Jovin.
Napangiti…
Kabanata 15 : Sulat ng Anghel
Napangiti si jovin. Si Marie nama’y mayroong bagay na nais sabihin kay
Jovin na matagal nang bumabagabag sa kanya. Ngunit nagwika bigla ng mahina si
Jovin, “Marie, alam mo bang nagustuhan agad kita nung nakita kita doon sa
patimpalak na sinalihan mo? Sa mga pagkakataong magkasama tayo’y unti-unti na
kong nahulog sa’yo at noong iniligtas kita’y naramdaman kong mahal na pala
kita. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko.
“ … “, napayuko si Marie habang tumutulo ang kanyang luha.
“ Kung ikaw ba’y tatanungin ko kung pwede bang ikaw nalang ang kasintahan
ko, anung isasagot mo? “
Napaisip si Marie sa tanong yaon ni jovin. Makalipas ang limang minuto,
sinagot agad ito ni Marie, “Oo naman.” Sa sobrang tuwa ni Jovin ay napangiti
siya na parang hanggang tenga at pumikit sabay sambit, “ Salamat sa oras na
inilaan mo para sa akin Marie. Mahal na mahal kita. Masakit mang sabihin ito
pero, paalam. “, unti-unting humihina ang bose ni Jovin habang sinasambit ang
mga linyang iyon. Huminto na ang pagtibok ng puso at ang pulso ni Jovin.
Natakot si Marie at kaagad na tinawag ang doktor.
Ginawa
na ng doktor ang lahat ng kanyang makakaya ngunit ‘di na niya maibabalik pa ang
buhay ni Jovin dahil huli na ang lahat. Pinaliwanag ng doktor na sobrang
napagod si jovin sa pakikipag-usap kay Marie. Tinabihan ni Marie si Jovin at
niyakap nang pagkahigpit-higpit at ibinulong kay Jovin habang umaagos ang luha,
“ Mahal na mahal rin kita. ‘Di mo lang alam na gusto na rin kita dati pa at
lalo akong nahulog sa iyo nung ipinagtanggol mo ako. ‘Di mo man lang narinig at
'di ko naipadama sayong mahal na mahal kita! “
Sa
pag-oopera ng doktor kay Jovin, may nakita raw siyang sulat na para kay Marie.
Binasa ito na dalaga :
Marie,
Alam kong mangyayari na ang mga bagay na ito. Inaasahan
kong ‘di ko na kakayanin pa ang buhay. Pero sa pagkakataong ito, pinapalaya na
kita. Alam kong mahal mo ko ngunit kailangan mo rin akong ipagpalit sa iba pang
mas hihigit sa’kin pag dating ng panahon.
Nagmamahal,
Jovin…ü
Umagos
ang luha sa mata ni Marie at iniyakan ang sulat na iyon ni Jovin. Ibinulong
niya sa sarili habang umaagos ang luha, “ Kung sana mas matagal pa tayong nagkasama… Paalam
Jovin”
________________________________________
So there you have ittttt. You laugh didn't you? LOOOOOL. Just one thing, give everything for that special someone while she's around. You may never know when that someone will be gone. I'm not saying material things, but the time spent together is all that matters.
I don't give a shit, just go out there... love... and be loved.
Ciao gay boys.
Oh and don't forget,
Oh and don't forget,
Smile :)
No comments:
Post a Comment